“Your paper was okay, but it was too formal. We’re not that formal dito sa Mass Comm.” Ito ang kauna-unahang constructive criticism na nakuha ko kay Ma’am Chit Estella-Simbulan. Pinagawa kasi niya kami ng papel/review noon, tungkol sa ginawa namin over the weekend. Nag DVD marathon ako noong linggong ‘yon, kaya tungkol sa pinanood ko ang ginawa ko. At dahil hindi pa naman ganoon ka-demanding sa klase dahil kakaumpisa pa lamang ng semestre, hindi naging mahirap para sa akin ang gumawa ng review. Ang problema, hindi naman ako taga-Mass Comm, at dahil sanay ako na nagsa-cite ng iba’t ibang mga reference sa mga papel ko, medyo pormal nga ang dating nito, dahil mayroon pa akong footnotes at endnotes.
Read the rest of this page »